Namahagi ng mga regalo sa mga guro sa mga mababang paaralan sa Unang Distrito ang Representative nito, Josie Baning Tallado, katuwang si Governor Edgardo Tallado.

Kabilang sa mga nakatanggap ng regalo ang mga guro mula sa mababang paaralan ng bayan ng Labo at Capalonga na ginanap kahapon December 22.

Nakatanggap din ang mga guro mula sa mababang paaralan ng bayan ng Jose Panganiban na ginanap naman nitong araw ng Lunes, December 21.

Nito namang Linggo, December 20, natanggap ng mga guro mula sa mababang paaralan ng Paracale ang regalo mula sa kongresista.

Sa ganitong paraan umano ay nais maiparamdam ng kongresista ang diwa ng Pasko dahil ang panahon ng kapaskuhan ay panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan.

Lubos naman ang pasasalamat ng m ga naturang guro sa pamasko na kanilang natanggap.