Daet, Camarines Norte, Enero 7, 2021 – Nadakip na ng mga otoridad ang rank 1 sa Top Ten Municipal Most Wanted ng bayan ng Daet para sa buwan ng Enero.

Batay sa ulat ni PLt. Col. Chito M. Oyardo, Acting Chief of Police ng Daet Municpal Police Station (MPS), sa pinagsamang pwersa ng joint tracker team ng Daet MPS kasama ang iba pang otoridad ay inaresto ang suspek na si Kim Monton y Mendoza, 26 na taong gulang, binata, panadero, at residente ng Purok-4, Brgy. Calasgasan, Daet, Camarines Norte nitong Enero 6, 2021 bandang alas- 8:30 ng umaga sa Carsadang Bago ll, Imus City, Cavite.

Ang nasabing pagdakip ay batay sa warrant of arrest na inilabas ni Hon. Evan D Dizon, Presiding Judge ng RTC Branch 40, Daet, Camarines Norte para sa kinakaharap nitong kasong Rape na may kaugnayan sa paglabag sa RA 7610 at walang inirerekomendang pyansa.

Kasalukuyan na ngayong nasa kustodiya ng Daet MPS si Monton para sa nararapat na disposisyon. (Edwin Datan, Jr., Camarines Norte News)