Tumanggap ng 784 na kahon ng food items ang lalawigan ng Camarines Norte mula sa Mercury Drug Foundation Inc. sa pamamagitan ni Provincial Administrator Alvin B. Tallado.

Ang nasabing donasyon ay ipamamahagi sa mga pamilya na sinalanta ng bagyo nitong nakaraang taon, 2020, buwan ng Nobyembre at Disyembre.

Laman ng mga kahon ay noodles, canned-goods drinking water, cereals at medicated patches.

Nagpahayag ng pasasalamat si Admin Tallado sa Mercury Drug Foundation Inc sa inihatid nitong tulong para sa mga mamamayan ng lalawigan na napinsala mg kalamidad.