Larawan kuha ng 9th Infantry Batallion, Philippine Army sa isinagawang indignation rally sa bayan ng Daet.

Disyembre 27, 2020, Daet, Camarines Norte. Kilos protesta ang sumalubong sa mismong anibersaryo ng Communist Party of the Philippines sa bayan ng Daet, Camarines Norte, ito ay bilang pagkundena sa mga karahasan at panlilinlang na ginagawa umano nito sa mga Pilipino sa loob ng mahigit ilang dekada nitong existensya.

Ginanap ang nasabing indignation rally sa mismong kasentruhan ng nabanggit na bayan na siyang dinaluhan naman ng iba’t ibang organisasyon, mga kabataan, barangay officials, kasama na rin ang mga kapulisan at kasundaluhan sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon kay Lt. Col. Emerson V. Sumilang, is sa mga opisyal ng 9th Infantry Sandigan Battalion, patuloy ang ginagawang pagsugpo ng mga kapulisan at kasundaluhan sa mahigit limang dekada nang insurhensiya ng CPP-NPA sa bansa sa pamamagitan ng Whole of the Nation anti-insurgency approach na ang pangunahing layunin ay tapusin ang nasabing insurhensya sa mapayapang pamamaraan. Sa nasabing pagtitipon rin ay presente ang ilang mga dating miyembro ng CPP-NPA upang ilantad sa publiko ang mapanganib na ideolohiya ng nabanggit na grupo.

Ang indignation rally ay bilang tugon sa selebrasyon ng mga makakaliwang grupo sa pagkakatatag ng CPP-NPA.

 

Camarines Norte News