Disyembre 29, 2020, Daet, Camarines Norte. Inirerekomenda ng Regional Peace and Order Council sa Kabikulan sa mga lokal na pamahalaan ang pagbabawal o di kaya ang mahigpit na regulation sa paggamit ng mga paputok at pyrotechnics sa pagsalubong sa bagong taon.

Base sa resolusyon na pinirmahan ni Regional Peace and Order Council Chaiperson at Albay Governor Al Francis Bichara, nirekomenda ng nasabing konseho ang nabanggit na hakbang hindi lang upang maiwasan ang mga injury na dala ng mga paputok kundi pati na rin upang idiscourage ang publiko na magtipon tipon habang nagpapaputok o di kaya habang bumibili ng paputok.

Matatandaan na taon-taon ay maraming mga injury ang naitatala bunsod ng iresponsableng paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa bagong taon, kung kaya layunin ng nasabing resolusyon na pangalagaan ang kaligtasan ng publiko sa pagdiririwang at pagsalubong sa taong 2021.

Ang nasabing resoluyon ay isang rekomendasyon lamang ng Regional Peace and Order Council at walang magiging direktang bisa kung hindi iaadopt ng mga LGUs.

 

Camarines Norte News