Disyembre 30, 2020, Daet, Camarines Norte. Kaugnay ng paparating na pagsalubong sa bagong taon at nagpapatuloy na laban ng bansa sa COVID-19, nagbigay ng ilang paalala ang Camarines Norte Police Provincial Office tungo sa ligtas na pagsalubong at pagdiriwang ng bagong taon.
- Ang mga legal na paputok ay maari lamang gamitin o paputukin sa mga itinalagang lugar ng inyong barangay at Local Government Unit (LGU), o sa mga ligtas na lugar.
- Huwag magpaputok kung lasing o naka-inom.
- Ang mga paputok na naglalaman ng pulbura na higit pa sa 2 gramo o 1.3 kutsarita ay mahigpit na ipinagbabawal.
- Huwag hayaang magpaputok ang mga bata.
- Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapaputok ng baril bilang pagsalubong sa bagong taon. I-report agad ito sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya para sa agarang aksyon.
- Huwag mamulot ng di sumabog na paputok.
Samantala ito naman ang listahan ng mga ipinagbabawal na paputok:
- Super Lolo
- Whistlebomb
- Goodbye Earth
- Atomic Big Triangulo
- Piccolo
- Judas Belt
- Watusi
Camarines Norte News