Nobyembre 20, 2020, Daet, Camarines Norte. Matagumpay na naidaos ang huling joint council meeting ng mga peace and security officials sa lalawigan para sa taong 2020. Ang nasabing pagtitipon ay ginanap kahapon (Nobyembre 19) sa Agro Sports Complex, Provincial Capitol Compound sa bayan ng Daet, Camarines Norte.

Kasama sa mga dumalo ay ang mga opisyal ng Camarines Norte Police Provincial Police Office, Armed Forces of the Philippines, Provincial Peace and Order Council, Provincial Anti-Drug Abuse Council, Enhanced Comprehensive Local Integration Program Committee, Retooled Community Support Program, at ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Layunin ng pagtitipon na pag-usapan ang mga pangunahing isyu tungkol sa seguridad ng mga mamamayan sa lalawigan tulad ng pagmaintain ng kaayusan at kapayapaan sa panahon ng pandemya, pagsugpo sa teroristang CPP-NPA, at ang nagpapatuloy na laban kontra ilegal na droga.

 

Camarines Norte News