Nagsagawa ng inspeksiyon at pagbisita ang Daet-MPS CNPPO sa iba’t ibang bar sa Barangay Lag-on, Daet, Camarines Norte sa pangunguna ni PLT Flory Jane Consuelo sa pangangasiwa ni PLTCol Chito M. Oyarda.

Ang isinagawang inspeksiyon ay hakbang upang masiguro na nasusunod ng mga mamamayan partikular ng mga nasa kagayang establisyimento ang kasalukuyang iniimplementa na Minimum Health Standard Protocol.

Kabilang dito ang mandatory na pagsusuot ng face mask, pagobserba ng physical distancing at pagsunod sa itinakdang curfew hours ng kinauukulan.

Naging maayos naman umano ang isinagawang pagiikot kung saan ang mga nahuling lumabag ay pinatawan ng kaukulang pagdidisiplina.