Kasalukuyan na nagpapatuloy ang konstruksiyon ng Covered Court sa loob ng Gumaus National High School sa Gumaus, Paracale, Camarines Norte sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte.

Sinimulan ang pagtatayo ng nasabing court nitong nakaraang buwan ng Nobyembre taong 2020 at inaasahan na matatapos sa susunod na buwan, Pebrero ng kasalukuyang taon.

Ayon sa pamunuan ng paaralan, matagal na nilang hangad na magkaroon ng kanilang sariling covered court na mapaggaganapan ng iba’t ibang aktibidad at programa at ito ay maisasakatuparan na sa pakikipagtulungan ng pamunuan ng GNHS sa pamumuno ni Punong Guro Gng. Joan Malaluan at ng General Parents – Teachers Association sa PGCN.

Nagpahayag ng pasasalamat ang pamunuan sa Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Edgardo Tallado dahil sa suporta at pagtupad umano ng kanilang pangarap.