Tumanggap ang nasa 950 households ng relief packs mula sa Mercury Drug Foundation katuwang ang kongresista ng Unang Distrito, Josie Tallado at Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte na isinagawa sa port ng nasabing barangay.

Laman ng bawat pack ay energen, salonpas, tubig, delata at noodles para sa mga nasalanta ng nagdaang bagyong Rolly at Ulysses.

Minabuti rin umano ng grupo na maipamahagi ang tulong ngayong kasagsagan ng tag-ulan dahil karamihan sa mga mamamayan lalo na ang mga mangingisda ay walang kabuhayan.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Punong Barangay ng Sabang, Buring Segundo sa Mercury Drug, sa kanilang kongresista at maging kay Governor Tallado dahil sa tulong na kanilang natanggap at sinabing malaking bagay ito sa kanilang barangay.

Samantala, dumalo rin sa relief distribution sina Acting Vice Governor Concon Panotes at Sangguniang Panlalawigan Members Renee Herrera, Stanley Alegre at Atoy Moreno.