Nagsagawa ng Oath Taking bilang bagong konsehal ng bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte si Konsehal Nimfa Dilao nitong Biyernes, January 22 na ginanap sa opisina ng gobernador ng lalawigan.

Pinangunahan ito ni Gov. Edgardo Tallado habang naroon din bilang saksi ang Barangay Council ng Larap, Jose Panganiban sa pamumuno ni Punong Barangay Mila Jumao-As.

Ang pagtalaga kay Kon. Dilao ay bilang paghalili nito sa yumao nitong asawa na si dating Konsehal Casiano Dilao.