Inanunsiyo ni 1st District Representative Josie Baning Tallado sa kaniyang official facebook page na siya ay mamamahagi ng wheelchairs para sa mga PWD at Senior Citizens sa Unang Distrito katuwang si Camarines Norte Governor Edgardo Tallado.

Sa facebook post ng kongresista, inilahad nito ang mga hakbang upang makatanggap ng nasabing wheelchairs kung saan nakasaad na kinakailangang,
𝟏.) Magsumite sa kaniyang tanggapan ng Sulat Kahilingan o Request Letter na naka-address kay Governor Edgardo Tallado at Congresswoman Josie Tallado, 𝟐.) Identification Card ng humihiling, kalakip ang 𝟑.) larawan ng pasyente o magiging benepisyaryo, at 𝟒.) Certificate of Indigency mula sa kani-kanilang mga barangay.

Ayon sa kinatawan, layon niya na mabigyan ng ginhawa ang buhay ng kaniyang mga kadistrito na hirap sa pagkilos dahil sa karamdaman at nangangailangan ng alalay upang maipagpatuloy ang kanilang produktibong pamumuhay.