Nagpapatuloy ang Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pag-iikot sa lalawigan upang maihatid ang Multi-Services Caravan sa mga mamayan nito.

Kahapon, tinungo ng grupo sa pangunguna ni Governor Edgardo Tallado at Congresswoman Josie Baning Tallado ang tatlong barangay sa Paracale kabilang ang barangay Tawig, Sitio Kurbada ng Tugos, at Casalugan.

Tumanggap ng iba’t ibang libreng serbisyo gaya ng libreng gamot, tsinelas, gupit, dental services, reading glasses, faceshields, food packs at iba pa ang mga nasabing barangay bagay na ikinatuwa ng mga mamamayan.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang mga punong barangay ng lugar dahil sa napili ang kanilang lugar na magatiran ng ayuda.

“Karangalan ko po ang kayo ay mapaglingkuran at maging instrumento upang makapaghatid ng serbisyo at ibat-ibang programa na kapaki-pakinabang para sa mamamayan upang sama-sama nating malagpasan at mapagtagumpayan ang krisis na ito”, mensahe naman ni Congressman Tallado.