Inilipat na ang pampublikong transportasyon ng Jose Panganiban sa bagong Mambulao Terminal Mall na sinimulan na rin ang operasyon kaninang hapon, February 16, 2021.

Kasunod ito ng isinasagawang Road Clearing and Rehabilitation ng Municipal Engineering Office sa kahabaan ng Arriola Street kung kaya’t minabuti umano ni Jose Panganiban Mayor Ariel Non na buksan ang bagong terminal upang masiguro ang kaligtasan ng mga mananakay.

Kaugnay nito, sinabi ni Mambulao Terminal Mall Manager Dave Reyes na naging maganda ang kanilang koordinasyon sa lahat ng Bus, Jeepney at Van Operators at Drivers tungo sa maayos na pagpapatupad ng bagong sistema sa terminal.

Ayon din sa Public Information Office ng Jose Panganiban, mahigpit na ipinatutupad ang lahat ng health protocols kontra COVID-19 para sa lahat ng mga pasahero.

Samantala, ang lahat ng pampublikong transportasyon ay bukas na patungo sa mga sumusunod na ruta:

• DAET
• LABO
• STA. BARBARA/LUKLUKAN SUR
• GUMAUS
• STA. CRUZ
• SAN JOSE
• SAN PEDRO