Nagsagawa ng simultaneous coastal clean-up at mangrove tree planting ang Camarines Norte Marine Police Station (MARPSTA) sa pamumuno ni PMAJ. ALVIN D. SANTILLAN station chief kasama ang mga kinatawan ng Provincial Tourism Office, Mercedes MPS, PCG, BFP, Potato riders Club, XM3 Riders Club at Bagasbas Eco Warriors.

Ito ay isinagawa bilang bahagi ng kanilang 30th Founding Anniversary na may temang “Maritime Pulis na May Puso at Malasakit sa Kalikasan, Bantay ng Karagatan at Kaagapay ng Mamamayan Tungo sa Masagana at Magandang Kinabukasan”.

Ang Coastal Clean-up ay isinagawa noong February 6, 2021 sa beach na malapit sa itinatayong Centennial Wharf, samantalang ang Mangrove Tree Planting naman ay isinagawa noong February 13, 2021 sa mangrove area na malapit sa Cory Aquino Bridge 1.