Magsasagawa ng Micro Planning Program ang Provincial Health Office ng Camarines Norte kaugnay ng isasagawang Vaccination Program sa lalawigan.

Pangungunahan ni Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco ang malawakang pagpupulong kung saan dadaluhan ito ng Municipal Health Officers sa lahat ng bayan sa lalawigan.

Ayon kay Acting PHO Dr. Francisco, ito ay bilang pahahanda sa nalalapit na Vaccination Program sa lalawigan kabilang na ang pagkakaroon ng maayos na Storage capability sa oras na dumating na ang mga bakuna mula sa Covax Facility.

Samantala, regular din na isinasailalim sa training at seminar sa mga vaccinators upang masiguro na sapat ang kaalaman ng mga ito sa isasagawang immunization.