Matagumpay nang nailagak ang Solar Lights sa Oldest Light House ng Camarines Norte kahapon, February 19, 2021 sa pamamagitan ng LGU-Mercedes sa pamumuno ni Mayor Dante “Boboy” Morales.

Katuwang ng Lokal na Pamahalaan ang Philippine Coast Guard- Camarines Norte sa pamumuno ni LCDR Limuel Cm Noblefranca, Substation Commander – CGSS Mercedes CPO Mario Allan E Rosales at Bantay Dagat sa pagsasaayos ng naturang proyekto.

Ang Parola na matatagpuan sa Canimog Island ay magsisilbing gabay sa mga seafarers na malaking tulong sa kaligtasan sa pagpalaot ng mga ito.

Mababatid na matagal na nawalan ng ilaw o liwanag ang Canimog Lighthouse dahil sa pagkasira ng mga aparatu, dulot ng mga nagdaang bagyo.

Ayon kay Mayor Morales, nawa ay magsilbing pag-asa ang Parola sa bawat mandaragat at tuluyang makabangon at makaani ng masagana.