Sinisimulan na ang proyektong pagkokongkreto ng mga kalsada sa Bagong Silang II sa bayan ng Labo patungong San Martin, Jose Panganiban sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Edgardo Tallado.

Ang naturang proyekto ang mag-uugnay sa mga kalsada simula kabayanan hanggang sa kasulok-sulukang barangay.


Layon din nito na mapabilis ang transportasyon ng mga gulay at iba pang produkto patungo sa pamilihang bayan na magkakaroon ng malaking pakinabang sa sektor ng agrikultura.


Kaugnay nito, tiniyak ni Governor Tallado na patuloy ang kanilang pagkalap ng pondo katuwang si 1st District Representative Josie Tallado upang maisailalim din sa pagkokongkreto ang iba pang mga kalsada.