Nagsagawa ng Simulation Exercises (SIMEX) para sa vaccination procedure kontra COVID-19 ang Provincial Health Office (PHO) ng Camarines Norte kanina, March 15, 2021 katuwang ang Department of Health (DOH).

Ito ay isa sa mga requirements sa vaccination allocation ng pamahalan na nagpapakita ng kahandaan ng probinsya para sa paparating na bakuna.

Kaugnay nito, sinabi ni Acting PHO Dr. Arnel Francisco, wala pang schedule para sa pagdating ng mga bakuna ngunit pagsisiguro niya na handa na ang probinsya oras na dumating na ang mga bakuna.

Nilinaw din ni Francisco na bagaman uunahin na maturukan ang mga Health Workers ay hindi ibig sabihin na para lamang sa kanila ang mga darating na bakuna kundi maging sa ibang mga indibiduwal na tatanggap nito