(photo from google)

Isang nuebe (9) anyos na batang babae ang paulit-ulit na hinahalay ng sarili nitong ama tuwing nasa ilalim ito ng impluwensya ng alak.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagaganap ang panghahalay sa biktima sa sarili mismo nilang tahanan sa Purok-3, Brgy. Quinapagian, Mercedes, Camarines Norte.

Isang residente rin ng naturang lugar ang lumapit sa barangay matapos umanong magkwento ang bata sa kanya kaugnay ng panghahalay.

Nang makakuha ng pagkakataon ay gumawa ng sariling aksiyon ang mga opisyal ng barangay matapos mapag-alaman na ang suspek ay lango nanaman sa alak kung saan naglagay ang mga ito ng cellphone recorder sa butas ng naturang bahay at naaktohan ang panggagahasa.

Agad na iniligtas ng mga opisyal ang biktima at kinabukasan ay dinala ito kasama ang suspek sa himpilan ng Mercedes MPS para sa pagsisiyasat.

Sa panayam ng mga otoridad ng Mercedes, napag-alaman na mula pa noong nakaraang buwan, Pebrero nagsimula ang pang-aabuso ng ama sa anak nito.

Samantala, una nang naiulat na ang nasabing suspek ay napatay ng isang pulis nang mang-agaw ng baril habang patungo sa CNPH para sa isang medical examination matapos itong maaresto.