Ginawaran ng Plake ng Pagkilala bilang Stakeholder of the Year 2021 si Camarines Norte Governor Edgardo Tallado mula sa Southern Luzon Command (SOLCOM) nitong nakaraang Biyernes, March 26.

Dalawang (2) gobernador lamang sa 14 na probinsya na nasasakupan ng SOLCOM-AFP ang ginawaran ng naturang pagkilala.

Isinagawa ang awarding ceremony online, via zoom kasabay ng pagdiriwang ng ika-34 Founding Anniversary ng SOLCOM-AFP na may temang, “Winning the Fight Amidst Challenges”

Ang pagkilala ay natanggap dahil sa mga programa ni Tallado sa pagsusulong ng Sustainable Peace and Support to End Local Communist Conflict sa lalawigan ng Camarines Norte.