PNP DEPUTY DIRECTOR GEN APOLINARIO BINISITA ANG CAMARINES NORTE; BUROL NG NAMATAY NA 2 PULIS SA AMBUSH DINALAW!

apolinario1

Disyembre 7, 2017, Daet, Camarines Norte – Bumisita si PNP Deputy Dir. GenRamon Colet Apolinario kasama si Regional Dir. Chief Antonio Gardiola Jr. kahapon sa lalawigan ng Camarines Norte upang personal na bisitahin ang burol ng dalawang pulis  ng nasawi sa ambush kamakailan sa bayan ng Labo.

Ginawaran ng parangal, tulong pinansiyal at kaukulang benepisyong  matatanggap ang  maybahay at mga naiwang kamag-anak ng mga pumanaw na pulis.

Sinundan naman ang pagtungo ng mga ito ng pagbibigay parangal sa iba pang pulis awardees at pagkakaloob ng dagdag na makabagong armas at mga baril sa mga kapulisan sa munting seremonyang ginanap sa Camp Wenceslao Q. Vinzons.

apolinario2

Sa kanyang pahayag, pinag-iingat nito ang mga kapulisan at binagyang diin ang kahalagahan ng kanilang seguridad sapagkat di nila tukoy kung sino ang kanilang kaaway.

Dagdag pa nito, di na dapat maulit ang nangyaring ambush at mariin din niyang sinusunod ang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa  pagdedeklara bilang mga terorista sa grupong CPP/NPA-NDF at hindi sila bukas sa peace talks. Mandato aniya nila ang ipagtatanggol ang buhay ng bawat mamamayang Pilipino.

Orlando Encinares

Camarines Norte News

Photo courtesy: Ricky Pera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *