REGIONAL YES-O CAMPING NGAYONG TAON, ISINAGAWA SA VINZONS PILOT HIGH SCHOOL AT VINZONS PILOT ELEMENTARY SCHOOL!

608

Sinimulan na sa Vinzons Pilot High School at Vinzons Pilot Elementary School ang 5-araw na Regional Youth for Environment in Schools’ Organization (YES-O) Camping mula Oktubre 27-31, 2014. Ang naturang aktibidad ay mayroong tema ngayong taon na “BIKOLANO: Preparado, Makusog, Listo, YES-O Ako!”

Ang Regional YES-O Camp ay isang taunang proyekto ng Department of Education – Region V (DepEd – V) na naglalayong malinang ang kamalayan ng bawat kabataan sa pagpapahalaga, pag-iingat, at pagpapayaman ng kalikasan na dinadaluhan ng mga mag-aaral mula sa mga mababa at mataas ng paaralan sa buong rehiyong Bikol na miyembro YES-O.

Sa inilabas na Regional Memorandum No. 91 S. 2014 ng DepEd-V, nais ng naturang aktibad sa kasalukuyang taon na magkaroon ng lubos na kaalaman ang mga dadalong mag-aaral sa kalagayan at mga nakababahalang pangyayari sa kalikasan. Hinihikayat din lahat ng mag-aaral na makiisa sa pagkakaroon ng mga posibleng solusyon upang mapangalagaan, ma-preserba at responsableng pag gamit ng likas na yaman.

608-3

608-4 608-5

Mayroon ding Registration Fee na P300 sa bawat dadalo na gagamitin sa kabuuang gastos ng aktibad, at honoraria at token sa mga imbitadong speakers.

Kanya-kanyang dala naman ng mga pagkain at tutulugan ang mga mag-aaral at guro na mananatili sa paaralan sa loob ng 5 araw na kapapalooban ng iba’t ibang mga aktibdad at patimpalak na may kinalaman pa rin sa tema ngayon taon.

Samantala, ikinatuwa naman ni Mayor Agnes Diezmo-Ang at ng buong LGU-Vinzons ang pagkakapili sa Bayan ng Vinzons bilang host town ng YES-O Camp ngayong taon. Bagama’t maikli ang naibigay na panahon, siniguro naman ni Mayor Ang na buo ang magiging suporta ng lokal na pamahalaan sa inilunsad na aktibidad sa naturang bayan. Nakatakda ring bumisita ang Alkalde mamayang gabi (Oktubre 28, 2014) upang magbigay ng mensahe at inspirasyon sa mga kabataang dumalo.

Camarines Norte News

More NEWS?

        Visit our HOME:                              For Daily News Update:                      Follow us on Twitter:

LOGO-CNN-150-X-65                   LOGO-FB-150-X-65                 twitter---150