LALAKING NAKASAKAY NG MOTORSIKLO, PATAY NANG MASAGI AT MASAGASAAN PA NG ISANG PAMPASAHERONG BUS SA BAYANG NG STA. ELENA

608-map-Sta.-Elena

Sta. Elena, Camarines Norte (Oktubre 8, 2016) – Dead on arrival sa pagamutan ang isang 18 taong gulang na lalaki nang aksidente itong masagi at magulungan pa ng pampasaherong bus sa bayan ng Sta. Elena nitong Oktubre 6, 2016 bandang alas-9 ng gabi.

Batay sa ulat ng Sta. Elena Municipal Police Station (MPS), pauwi na ang biktimang si Jeric Pregonero y Malacad, 18 taong gulang, binata, at residente ng Purok 2, Barangay Bulala, Santa Elena, Camarines Norte sakay ng kanyang motorsiklo galing sa kanilang barangay hall nang aksidente itong masagi ng Superlines passenger bus na patungo sa bahagi ng Maynila na minamaneho ni Ronald Segui y Nocillo, 27 taong gulang, may asawa, at residente ng Phase 1, Tagkawayan, Quezon.

Bumagsak ang biktima sa kalsada at hindi rin naiwasan ng driver ng bus na masagasaan ito.

Nagtamo si Pregonero ng matitinding sugat at pinsala sa katawan na agad ding isinugod sa Rosary of Virgin Mary Hospital subalit hindi na rin ito umabot pa ng buhay.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Sta. Elena MPS si Segui para sa karampatang disposisyon.

Edwin Datan, Jr.
Camariens Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *