5TH YEAR NG MAGUINDANAO MASSACRE NA PUMATAY NG 58 KATAO, GINUNITA NG MGA MAMAMAHAYAG SA CAMARINES NORTE!

650

Daet, Camarines Norte (Nobyembre 24, 2014) – Nakiisa ang mga mamamahayag sa lalawigan ng Camarines Norte sa pamamagitan ng National Union of Journalists of the Philippines NUJP Camarines Norte Chapter sa pag gunita sa ika limang tao ng makasaysayan na karumal-dumal na pagpatay sa limamput walong (58) katao na tinaguriang MAGUINDANAO MASSACRE kahapon, November 23, 2014.

Isinagawa ito sa pamamagitan ng banal na misa/Commemoration Mass alas 8:00am sa St. John D’ Baptist Church na pinangunahan ni Rev. Father Andrey Uy bilang officiating priest.

Matapos ang Misa, nag martsa ang grupo patungo sa 1st Rizal Monument at isang maikling programa ang isinagawa nag sindi ng Kandila bilang simbolo ng pag hingi ng katarungan sa mga biktima, kasama ang tatlumput dalawang (32) mga mamamahayag, 3 abogado at dalawamput tatlong iba pa, kasa ang may bahay, mga kapamilya at suporters ng noon ay tumatakbong gobernador na si Toto Mangudadatu.

Mahigit dalawang daan na ang nasampahan ng kaso, kabilang ang ilang miyembro ng pamilya Ampatuan subalit hanggang sa ngayon ay mailap- pa rin ang hustisya para sa mga biktima.

Ayun sa NUJP, panahon pa ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nang maganap ang krimen subalit hanggang ngayon umano sa administrasyong Pangulong Benigno Aquino III ay wala pa ring nasisentensyahan.

Ilang mga witness na rin ang pinatay na at pati ang mga kapamilya nito kahit pa nasa ilalim ng Witness Protection Program habang nagpapatuloy ang mabagal na pag dinig.

Sigaw ng NUJP Camarines Norte ang mabilisang paglapat ng hustisya sa mga biktima bago pa man lamang tuluyang mabaon sa limot ang lahat. Anila, “Justice delayed is Justice denied!

Isinagawa ang naturang pag gunita sa iba’t ibang bahagi ng bansa kahapon.

Mula nang maganap ang Maguindanao Massacre at ang mga nakaraan pang pagpatay sa mga miyembro ng media sa bansa, maging ang mga kidnapping ng foreign media sa bahagi ng Mindanao, naitala ang Pilipinas bilang pinakamapanganib na lugar para sa mga mamamahayag sa buong mundo. (The Most Dangerous Place in the world for Media). Ito ang naitalang pinaka karumaldumal na election related crime na naitala sa kasaysayan ng Pilipinas.

Orlando Encinares

Camarines Norte News

325-front325-back

608-3 608-6

608-5 608-4

608-2 608-1

More NEWS?

        Visit our HOME:                              For Daily News Update:                          Follow us on Twitter:

LOGO-CNN-150-X-65                   LOGO-FB-150-X-65                 twitter---150