BARANGAY DEL ROSARIO SA BAYAN NG MERCEDES, TATANGGAP NG PARANGAL BILANG REGIONAL WINNER SA “REGIONAL SEARCH FOR BARANGAY BEST SANITATION PRACTICES” NG DILG AT DOH.

608

Mercedes, Camarines Norte (Disyembre 6, 2014) – Pagdating sa aspeto ng Regional Search for Barangay Best Sanitation Practices, panalo ang isang barangay sa Bayan ng Mercedes, ayon ito sa pagiging Regional Winner na igagawad sa kanila sa Disyembre 29, 2014 sa Legazpi City, sa Lalawigan ng Albay.

Tinungo ng Camarines Norte News kamakailan ang Barangay Del Rosario upang tignan ang paligid gayudin ang mga programang may kaugnayan sa kanilang pagkakapanalo sa Regional Search for Barangay Best Sanitation Practices.

Makikita dito ang Gulayang Pambarangay, paghihiwalay sa mga basurang nabubulok at di-nabubulok, tapat ko linis ko program ang makikita mismo sa bawat bahay ng mga residente, Asenso Del Rosario program na nakasulat sa mismong edipisyo ng bawat purok, monthly check-up at immunization na isinasagawa ng brgy. health center sa mga sanggol buwan-buwan at mga ipinintang murals na makikita sa mga pader upang maiwasan ang vandalism at iba pang serbisyong pambarangay.

608-2 608-3

Ayon kay Chrys Mae Talla, Nurse Deployment Project Officer ng Pamahalaang Bayan ng Mercedes at representative ng Department of Health (DOH), pagkatapos manalo sa Provincial Level, isinagawa ng mga kinatawan ng rehiyon ang pag-eevaluate ayon sa mga requirements na isinumite ng Brgy. Del Rosario sa Bayan ng Mercedes, Camarines Norte at kanila itong masusing pinag-aralan. isa lamang ang syang nagiging representante ng bawat lalawigan sa bikol sa rehiyong pagpipili.

Ipinakita naman ng punong barangay na si Lolita Echano ang mga sertipiko at mga awards na nakuha nito ngayong taon sa Provincial Level, kaya ganun na lamang ang katuwaan ng Sangguniang Barangay ng maabutan ng Camarines Norte News Correspondent na nagpupulong para sa susunod na mga programang kanilang pinaplano.

608-1

Awtomatikong ang naturang barangay ang siyang kakatawan sa national search, batay na rin sa kanilang pagkakapanalo sa regional level na isinagawa ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng DOH.

Orlando L. Encinares

Camarines Norte News

More NEWS?

        Visit our HOME:                              For Daily News Update:                          Follow us on Twitter:

LOGO-CNN-150-X-65                   LOGO-FB-150-X-65                 twitter---150