BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY DAHIL SA BAGYONG RUBY!

J-pang-Mayor

Jose Panganiban, Camarines Norte (Disyembre 10, 2014) –  Mismong si Mayor Ricarte “Dong” Padilla ang humiling sa sangguniang Bayan ng Jose Panganiban para maisailaim ang kanilang munisipalidad sa ilalim ng State of Calamity matapos dumaan ang bagyong Ruby.

Agaran naman itong natugunan ng SB Jose Panganiban na ayun kay Vice Mayor Ariel Non, hindi naman kinakailangan na magkaroon ng malaking kasiraan sa mga istraktura o establishimento upang maisailalim sa State of Calamity ang isang lugar sa bansa. Nakita anya ni Mayor Dong Padilla ang epekto ng nagdaang bagyo sa kabuhayan ng kanyang mga mamamayan, na sa loob ng apat na araw ay hindi nakapag hanap buhay dahilan sa gale warning at storm surge na babala ng PAGASA at COASTGUARD. Bunga nito, nalagay sa alanganin ang kalagayan ng kanilang mga residente na karamihan ay sa pangingisda nabubuhay.

Ang ganitong sitwasyon ay maaarin na anilang maging dahilan para maideklara ang isang lugar sa  state of calamity upang matugunan ang naging epekto sa kabuhayan ng mamamayan.

Isa rin sa mga dahilan ng pag sasailalim sa State of Calamity ng kanilang bayan ay ang pagpapalabas ng pondo na ginamit sa ng mga Barangay at LGU sa panahon ng ilang araw na pananatili sa mga evacuation centers.

Sinabi ni Vice Mayor Non na nakipag ugnayan na rin sya kay Vice Governor Jonah Pimentel at ipinarating nya ang kanilang balakin na magpasa ng nasabing resolusyon.

Evacuees of San Jose Elem. School, Barangay Dayhagan & San Jose, saying Thank you to LGU Jose Panganiban! Photo courtesy of JRR Estebaya Irang

 

Bago ang pagsasailalim sa State of Calamity ng Jose Panganiban isa pang trahedya ang sinapit ng kanilang mamamayan at mga negosyante sa naturang bayan matapos na masunog ng madaling araw ang isang bahagi ng palengke at natupok ang imaabot sa 39 na stall. Marami sa kanilang mamamayan ang nawalan ng trabaho at negosyong natupok ng apoy.

Dagdag pa ito sa panibagong dagok sa kanilang mga mamamayan na nangangailangan ng suporta ng pamahalaang lokal.

J-Pang-2--608-x-410

Camarines Norte News

More NEWS?

        Visit our HOME:                              For Daily News Update:                          Follow us on Twitter:

LOGO-CNN-150-X-65                   LOGO-FB-150-X-65                 twitter---150