P20,000 ADDITIONAL CASH GIFT NG MGA KAWANI NG KAPITOLYO, TINIYAK NA NI GOVERNOR TALLADO; JOB ORDER, SINIGURO NA RIN ANG P7,000!

608

Daet, Camarines Norte (Disyembre 13, 2014) – Tiniyak na ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado ang dalawampung libong (20K) pisong additional cash gift para sa mga regular na kawani at casual employees ng kapitolyo.

Sa panayam ng Camarines Norte News sa gobernador, sinabi nito na ibibigay sa mga kawani ang nasabing karagdagang cash gifts bago ang kanilang Christmas Party sa Disyembre 19, 2014.

Samantala, hindi lamang ang mga regular at casual employees ang nadagdagan ang bonus ngayon taon kundi maging ang mga Job Order na dati ay tumanggap ng anim na libong piso nang nakatalikod na taon subalit tiniyak ni Tallado na gagawin na itong 7 libong piso.

Hangad ng gobernador na maging masaya ang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ngayong kapaskuhan na minsan lamang ang pagdiriwang na ito sa loob ng isang taon.

Ito anya ay bilang kapalit na rin ng sipag at pagod na ibinibigay ng mga kawani ng kapitolyo sa araw araw na kasama nya sa paglilingkod sa mamamayan ng Camarines Norte.

Sa darating na Christmas Party, may inihanda pang mga sorpresa ang gobernador para sa mga kawani upang maging mas masaya ang okasyon nila ng kanyang mga kapwa naglilingkod sa lalawigan.

Camarines Norte News

More NEWS?

        Visit our HOME:                              For Daily News Update:                          Follow us on Twitter:

LOGO-CNN-150-X-65                   LOGO-FB-150-X-65                 twitter---150