PASKONG DARAMAYAN 2014 NG KADAMAY NETWORK PBN-DZMD, NAGING MATAGUMPAY!

608-3

Umaabot sa humigit-kumulang isang libong (1,000) katao ang nabigyan ngiti ng taunang Paskong Daramayan ng PBN-DZMD, Kadamay Network na isinagawa kahapon, Dec 16, 2014 sa Elevated Town Plaza. Dinaluhan ito ng dalawamput limang Barangay ng bayan ng Daet, at ilang mga karatig bayan.

Katuwang ng PBN-DZMD sa naturang aktibidad ang Philippine Medical Association Camarines Norte Chapter, sa pangunguna ni Dr. Ruth Herrera at Municipal Health Office na dinaluhan ni Dr. Noel Delos Santos para sa Medical Mission na tinugunan ang humigit kumulang limang daang (500) pasyente. Namigay din  ng gamot para sa mga may karamdaman.

Nagluto naman ng miryenda ang Grupo  para sa mga nagsipagdalo (feeding program). Katuwang naman dito si P/Supt. Paul Abay, hepe ng Daet PNP.

Umuwing nakangiti at may mga dalang pamasko ang kabataang dumalo partikular ang mga Stuff Toys, mga damit bigas at iba pang regalo mula sa naman sa mga sponsors ng naturang aktibidad.

Ang PASKONG DARAMAYAN ay taunang isinasagawa ng lahat nng himpilan ng radyo sa ilalim ng PBN Broadcasting Network Inc. na pinamumunuan ni President Brenda Bayona-Locsin. Ang PBN-DZMD ay pinamumunuan ni Station Manager Rogie Lasco.

608-1 608-2

608-4

Camarines Norte News

More NEWS?

        Visit our HOME:                              For Daily News Update:                          Follow us on Twitter:

LOGO-CNN-150-X-65                   LOGO-FB-150-X-65                 twitter---150