GOVERNOR EDGARDO TALLADO, NATUWA SA UNANG ARAW NG PHYSICAL FITNESS PROGRAM NG KAPITOLYO. BIGGEST LOSSER, PEPREMYUHAN!

exercise-4-608exercise-2-608

Photo by Donde Consuelo of Bay Radio

Tuwang tuwa si Governor Egay Tallado sa dami ng dumalo sa unang araw ng physical fitness program ng kapitolyo para sa mga kawani nito.

Pinangunahan mismo ni Gov Egay ang sabay sabay na pag exercise kahapon, January 5, 2014, araw ng miyerkoles, ang mga empleyado sa mismong Provincial Capitol Ground.

Sa tuwa ng gobernador, sinabi nito na mag sasagsawa sila ng pa contest na katulad ng the Biggest Losser ng ABS-CBN para mabigyan ng premyo ang may pinakamalaking timbang na mababawas.

Sa mismong awarding day sa Bantayog Festival isasagawa ang pagbibigay ng premyo sa mananalo kasama ang cash prize para dito.

Sa mensahe ng Gobernador, sinabi nito na layunin ng naturang programa na maging malusog at masigla ang pangangatawan ng mga kawani sa Pamahalaang Panlalawigan upang mas makapag trabaho ng maayos para sa mga mamamayan ng Camarines Norte.

Magpapatuloy ang naturang programa tuwing alas kwatro ng hapon kada araw ng miyerkoles, na gagawin ng tuloy tuloy na.

exercise-608exercise-3-608

 

 

 

Rodel Macaro Llovit

Camarines Norte News