10 POINT AGENDA

KALINGA SA SMALL RICE AND COCONUT FARMERS,FISHER FOLK,VEGETABLE GROWERS AT LIVESTOCK RAISERS.

Sisiguraduhin na ang mga proyekto at programa at iba pang pangangangailangan ng sector na ito ay malalagyan ng pondi ng national government sa taunang budget nito at titiyakin ang maayos na implementasyon at pagamit ng pondo sa inklusibong pag-unlad ng mamamayan sa Distrtito. Dapat magkaroon ng puhunan galing sa pamahalaan ang sector na ito tungo sa kanilang mabilis at tuloy-tuloy na pag unlad.

IMPRASTRAKTURA SA BARANGAY.

Isusulong ang mga imprastraktura sa tulad ng barangay halls, covered courts, day care centers, health centers, pangkongkreto ng barangay roads, dagdag na mga school buildings, mga tulay, flood control projects, evacuation centers, pagsasaayos ng mga farm-to-market roads at irrigation facilities, urban drainage ang sanitation projects,potable water supply,post harvest facilities and farm mechanization. Ituloy ang Roy Padilla Sr. highway na mag-uugnay sa second district mula sa bayan ng Daet, San Lorenzo Ruiz at Quirino Highway sa Camarines Sur at Quezon tungo sa mas mabilis na transportasyon ibayong pag-unlad sa buong distrito.

 PABAHAY SA INFORMAL SETTLERS

Tulungan ang mga barangays at local government units para sa mura o libreng pabahay at maglalaan ng pondo para sa housing projects ng mga informal settlers.

EDUKASYON AT KALUSUGAN

Palalakasin ang ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan at maglalaan ng pondo para sa malawakang scholarship program para sa mga kabataan. Maglalaan din ng pondo para sa vocational at technical education ng mga out-of-school youths, mga kababaihan at mga manggagawa upang madagdagan ang kanilang kaalaman at kakayahang makapaghanapbuhay at magkaroon ng mas  mataas na kita. Isusulong ang batas upang maging isang University ang Camarines Norte State College. Palalakasin ang kampanya at mga programa upang mapaunlad ang kalusugan ng bawat pamilya at mamamayan ng buong Distrito. Maglalaan ng pondo para sa higher education ng mga teachers and professors mula sa pampubliko at pribadonng mga paaralan.

PAGSUPORTA SA LOCAL ENTERPRENEURS.

Magpapatupad ng programa para sa local entrepreneurs sa pakikipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry at iba pang concerned agencies at institutions na magpapasigla sa negosyo at magpapaangat ng ekonomiya n gating Distrito.