DRUG SUSPECT SA CAPALONGA, BAGSAK SA KAMAY NG PDEA!

Hindi pa sumisikat ang araw kaninang alas singko ng umaga, Abril 3, 2014,  umarangkada na ang grupo ng Phil Drug Enforcement Agency PDEA at Capalonga Philippine National Police tungo sa tahanan ng isang pinaghihinalaang Drug Pusher para i-serve ang search warrant para sa tahanan nito.

Inaresto ang suspek na si Donald Fuentes Y Manzana, alyas “Bato” matapos na makakuha ang mga awtoridad ng tinatayang sampung gramo ng pinaghihinalaang shabu sa loob ng tahanan nito, na may street value na anim na pung libong piso (Php 60,000)

Matagal din ang naging pagmamanman ng mga miyembro ng PDEA sa suspect at sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Arniel Dating ay naisagawa ang naturang pagkilos.

Agad namang inihanda ng pulisya ang kasong isasampa sa suspek habang pansamantala itong inihimpil sa Capalonga PNP station.

Nag uulat

Ricky Pera

Leave a Reply

Your email address will not be published.