Klarado na ang umaabot sa limamput anim na Barangay sa lalawigan ng Camarines Norte mula sa dating pitumpung Barangay na sakop ng CPP-NPA.
Ito ang iniulat ni Lt. Col. Michael M. Buhat, Commanding Officer ng 49th Infantry Battalion, 902nd Infantry Brigade, Philippine Army sa inorganisang Talakayan ng Philippine Information Agency Camarines Norte na pinangunahan ni Ms. Rose Manlangit at iba pangmga mamamahayag sa lalawigan.
Ayun kay Buhat, sa ngayon ay umaabot na sa 56 na Barangay mula sa dating 70 noong 2012 na pinamumugaran ng mga rebeldeng NPA ang sa ngayon ay nalinis na sa taong 2013 kasam na anya dito ang 50 barangay na ikinukunsiderang “Threatened Brgy”. Samantalang, for validation naman anya ang nalalabi pang labing apat na Barangay ng kanilang higher headquarter at ibang mga Local Governments.
Ibinalita din ng naturang opisyal na sa ilang mga Key Personalities o matataas na lider ng CPP-NPA-NDF ang kanila nang na neutralized, partikular ang mga nag-ngangalang Nancy Ortega at Ramon Argente na pawang mga tumatayong kalihin at isa pang Commanding Officer ng kilusan.
Sinabi pa ni Col. Buhat na bago natapos ang taong 2013 ay na-neutralize pa nila ang isa pang Commanding Officer ng Regional Unit Guerilla, isang guerilla unit na kumikilos sa buong rehiyon nan aka engkwentro ng Bravo Company ng 49th IB sa Del Gallego, Camarines Sur at napatay ang isang Aldrin Radulan Briones na sinasabing responsible sa pag-atake sa tropa ng military sa Brgy Maot noong nakatalikod na Abril a-29, 2012, na ikinamatay ng apat na sundalo at isang sibilyan.
Naniniwala ang pamunuan ng Phil. Army sa lalawigan na ang pagkakahuli sa ilang mga matataas na opsiayl ng rebeldeng grupo ay malaking kawalan sa mga ito, dahilan para hindi makapag lunsad ng kanilang mga taktikal na opensiba. Maliban na lang anya sa harashment sa isang detachment ng mga sundalo at panununog ng isang equipment sa Brgy Napaod.
Nitong nakatalikod na taon, apat ang naitalang Government Initiated Encounters. Dito, dalawang high powered at dalawa ding low powered firearms ang narekober ng pamahalaan, dalang rebelde ang nasawi bagamat hindi na naitala ang sugatan.
Ipinagmalaki din ng Phil. Army sa lalawigan na napanatili nilang mapayapa ang nakatalikod na eleksyon nitong nakaraang taon. Ito ay pamamagitan ng kanilang pakikipag tulungan sa Commission on Elections o COMELEC, PNP, iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at gayundin ang mga Non-governmental Organizations at mga Radio Communication Groups.
HUMANITARIAN, CIVIC MILITARY OPERATIONS
Samantala, sa harap nito, patuloy pa din naman ang mga isinasagawang Humanitarian, Civic and Military Operations ng kanilang mga sundalo.
Ayun kay Col. Buhat, nakapamahagi sila ng mga schools supplies sa dalawamput limang Elementary Schools sa Camarines Norte at sa 1st District ng Camarines Sur o umaabot sa limang libong estudyante.
Bukod dito, nagsasagawa din umano sila ng mga Youth Leadership Trainings para hubugin ang mga kabataan upang maging katuwang sa pag-unlad ng pamayanan. Kasama na rin dito ang Disaster Preparedness Trainings para pa din sa naturang mga kabataan.
Bukod pa dito, maging ang environmental concern ay kanila ding tinututukan. Sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan sa DENR, ay nakapagsagawa sila ng pagtatanim at pagkakaroon ng programang “anti-illegal logging task force”
Tuloy tuloy din anya ang kanilang pakikipag ugnayan sa mga Local Gov’t Units upang mas mapalakas ang kanilang pakikipagtulungan sa mamamayan.
RECRUITMENT
Samantala, umaabot naman saw along daang bagong posisyon sa rehiyong Bicol ang naghihintay ngayon para sa mga aplikanteng nagnanais maging sundalo.
Sa ngayon anya ay patuloy silang tumatanggap ng mga aplikante para sa nasabing mga bagong bakanteng posisyon.
Hinikayat din nito ang mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak kung nanaisin nitong maging bahagi ng sandatahang lakas ng bansa.
LATEST: RECOVERED FIREARMS
Nakarekober naman ng mga matataas na kalibre ng baril ang tropa ng mga sundalo sa lalawigan sa isang Brgy sa Bayan ng Basud, Camarines Norte kamakailan.
Ito ay bunsod na rin ng ipinaabot na impormasyon ng ilang mga residente sa naturang lugar. Nahukay habang nakabaon sa lupa ang isang cal. 30, M79 grenade laucher, fragmentation grenade, smoke grenade, riffle at ibat ibang uri ng bala.
Sa ngayon ay patuloy ang panawagan ng pamunuan ni Lt. Col. Michael Buhat sa mga mamayan na kanilang nasasakupan na makipag tulungan sa kanila upang tuluyan nang mawakasan ang insurhensya sa lalawigan.