BIGTIME SUSPECTED DRUG PUSHER SA CAMARINES NORTE, TIMBOG SA MGA AWTORIDAD! 600K NA HALAGA NG SHABU? NAKUMPISKA!

Bagsak sa kamay ng mga miyembro ng pinagsanib ng pwersa ng PDEA at PNP Labo sa pamamagitan ng buy-bust operation ang dalawang pinaghihinalaang Bigtime Drug pusher sa lalawigan ng Camarines Norte kahapon Feb 4, 2014 alas 5:45 ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Mario Daniel, 34 taong gulang, may asawa at residente ng Napilihan sa bayan ng Vinzons at isang Arlan Silvio, 34 taong gulang, may asawa, ng Brgy. Bagong Silang Labo.

Umabot sa halos tatlong linggong surveylance ang isinagawa ng mga agent ng Phil Drug Enforcemnt Agency o PDEA bago nagpositibo ang operasyon.

Kahapon din, unang isinagawa ang buy-bust operation ng nasabing grupo. Unang naganap ang transaksyon sa isang Restoran sa bayan ng Daet, dito ipinakita ng PDEA na nag panggap ng buyer ang halagang anim na raang libong piso (P600K), (dalawang libong piso dito ay genuine cash marked money).

Matapos umanong Makita ng suspek na si Mario Daniel ang bundle ng pera, agad na ikinasa ang bilihan sa bayan ng Labo, sa Brgy Bautista. Doon naman naghihintay na si Arlan Silvio na hawak ang umano’y umaabot sa 100 gramo ng pinaghihilaang shabu na may market price na 600K pesos. Kaliwaan ang naging palitan ng kalakal at marked money bago isinagawa ang pag aresto sa dalawa.

Sa panayam ng Camarines Norte News sa suspek na si Silvio, sinabi nito na kawalan ng trabaho ang nagtulak sa kanya para gawin ang nasabing krimen. Nabatid din na kalalabas lamang nito nitong Nobyembre ng nakatalikod na taon mula sa 10 taong pagkakabilanggo sa Bilibid dahil sa kasong child abuse o pag labag sa RA 7160.

Ayun kay Officer Enrique Lucero, team captain ng PDEA Camarines Norte, isa ito sa itinuturing na bigtime drug pushers na nag ooperate sa lalawigan na nagsisimula pa lamang ng kanilang operasyon, kung kayat maswerteng natimbog nila ito sa ngayon.

Kasama ng PEDA sa operasyon kahapon ang Labo PNP na pinamumunuan ni Pcinsp. Roderick Bulalacao Campo at mga kinatawan mula sa Dept of Justice, Brgy Officials at Media.

Sinabi pa ni Lucero na bunsod ng pag pasok sa Bansa ng malalaking sindikato ng droga ay mas paiigtingin nila ang kanilang mga operasyon kasabay ng panawagan nito sa publiko na makipag tulungan sa kanila para agarang matigil ang nasabing pagkalat ng droga sa lalawigan na mabilisang sumisira sa buhay at pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *