DELEGASYON NG CAMARINES NORTE, PUMAPANGALAWA SA PALARONG BICOL SA IKALAWANG ARAW NG PALARO! OVERALL CHAMPIONSHIP, TARGET MASUNGKIT! MGA MAG-UUWI NG MEDALYA, TATANGGAP NG BENEPISYO!

Humataw kaagad ang mga manlalaro ng Camarines Norte sa ikalawang araw ng Palarong Bicol na ginaganap ngayon sa Virac Sports Complex sa Virac Catanduanes.

Sa pinakahuling overall ranking point system kahapon, Feb. 4, 2014, nangunguna pa rin ang lalawigan ng Albay na may 37 points, sumusunod na dito ang Camarines Norte na may 28 points, sumunod ang Camarines Sur-25 points, Sorsogon Province-23 points, Masbate Province-17 points, Catanduanes-16 points,  Legaspi City-8 points, Naga City at Sorsogon City – 7 points, Iriga City-6 points, Ligao City at Tabaco City 5 points at Masbate City na may roong 3 points pa lamang.

Samantala, sa panayam ni Kadamay Jorge Dayaon ng PBN-DZMD kay Schools Division Superintendent Arnulfo Balane, mataas ang kumpiyansa nito sa performance ng mga manlalaro ng delegasyon. Malaki din anya ang tsansa na masungkit ng Camarines Norte ang overall champion sa naturang kompetisyon sakaling magpatuloy ang momentum ng mga bata.

Samantala, sa harap ng ilang napaulat na nagkasakit at naaksidenteng tinamaan ng bola ng baseball, nilinaw ng mga opisyal ng delegasyon ng Camarines Norte na mula sa ibang delegasyon nagmula ang naturang mga manlalaro.

Tinitiyak din ni Dr. Balane na sinisiguro nila na ligtas ang kanilang mga manlalaro, at kumpleto sila ng mga medical staff, mula sa doctor, hanggang sa mga nurses at first aiders. Maayos din anya ang kanilang tinutuluyang billeting stations, kumpleto ng seguridad, maayos ang pagkain at lahat ng mga pangangailangan.

Muling nagpapasalamat ang pamunuan ng dept sa lalawigan kay Governor Edgardo Tallado sa malaking pondong inilaan sa kanila ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Special Education Fund.

INCENTIVES/BENEFITS

Samantala, awtomatiko namang ibinibigay ni Dr. Arnulfo Balane ang mga cash incentive para sa mga makakakuha ng medalya mismong pagkatapos ng laro.

Sa kanilang pag uwi dito sa Camarines Norte, isa pang parangal at pag ibibigay ng cash incentives ang naghihintay sa mga kabataang magdadala ng medalya, gayundin ang mga coaches nito.

Ito ay susog naman sa ordinansang ipinasa ni Board Member Michael “Mike” Canlas, partikular ang Provincial Ordinance No. 17-02 o may titulong “AN ORDINANCE ESTABLISHING AN INCENTIVE SCHEME FOR THE EXEMPLARY ACHIVEMENTS OF ALTHLETES/COACHES IN THE PROVINCE OF CAMARINES NORTE AND PROVIDING FUNDS THEREOF”.

Scholarship:

Sa makapaguuwi ng gintong medalya, isang scholarship mula sa Pamahalaang Panlalawigan ang naghihintay sa manlalaro para sa kanyang pag tuntong sa kolehiyo. Hindi na rin ito kinakailangan pang mag take ng entrance examination bilang dagdag pang benepisyo.

Sa ilalim ng ordinansa, hindi bababa sa dalawang daang libong piso (P200,000.00) ang ilalaan para sa nasabing programa na magmumula naman sa 20% Development Fund sa ilalim ng Youth Welfare and Development Program Fund ng Pamahalaang panlalawigan kada taon, na ipamamahagi naman ng Gobernador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *