KONSEHAL JOAN TABERNILLA-DE LUNA, IPINAGTANGGOL SI MAYOR TITO SARION SA ISYU NG 63M LOAN!

Dumipensa si konsehal Joan Christine Tabernilla-De Luna para kay Mayor Tito Sarion hinggil sa isyu ng pag uutang ng Pmahalaang Lokal ng Daet ng umaabot sa 63 million pesos.

Sinabi ni konsehal De Luna, Chairman, Committee on Finance and Appropriations ng Sangguniang Bayan ng Daet na wala pa silang binibigay ng anumang awtorisasyon kay Mayor Sarion para makapag utang.

Nilinaw nito na tanging Authority to Negotiate ang resolusyon na kanilang ipinasa sa kanilang konseho kamakailan. Sa naturang resolusyon, binibigyan lamang ng kapangyarihan ang alkalde na makipag-usap sa iba’t ibang financing institution para mapondohan ang iba’t ibang mga proyektong nakahanay para ngayong taon. Sa pamamagitan din nito makapipili at mapag-aaralan ng husto ng alkalde kung saan mang financial institution na makapagbibigay ng mas magandang offer na papabor naman sa pamahalaang lokal.

Tinukoy ni konsehal Tabernilla-De Luna ang mga nakahanay na proyekto. 1. Waste Disposal Unit and Management, karugtong ito ng Go Green Daet na pinasimulan ni Mayor sarion noong nakatalikod na taon. 2. Bagsakan Center sa extension ng Central Terminal ng Daet, na naglalayon naman na ma decongest ang centro ng Daet. At ang 3. Improvement ng ilang bahagi ng Central Terminal. Anya, ang mga financial institution ang syang mag dedesisyon kung maaprubahan ang pagpopondo sa mga nakahanay na proyekto. Kinumpirma din nito na kasama sa balak pondohan ng pamahalaang lokal ang pagbibili ng heavy equipments para naman sa kasalukuyang Dumpsite sa Brgy Bibirao na ginagawa nang controlled dumpsite.

Sinabi pa ng konsehal na hindi pa din naman nakatitiyak kung talagang aabutin ng halagang 63 million pesos ang posibleng utangin dahilan sa anyay projection pa lamang ito. Malaki anya ang posibilidad na bumaba pa ito.

Sakali anya na maaprubahan na ang nasabing mga projects for funding, at makapag desisyon na rin ang alkade kung saang financial institution uutang, tsaka pa lamang muling magsasagawa ng resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Daet para bigyan ng karapatan si Mayor Tito Sarion na pumasok sa kontrata ng pag-uutang.

Tiniyak din nito na sapat pa ang kakayahan ng LGU Daet na pumasok sa pag uutang at hindi pa rin ito sasagad sa ceiling na itinatakda naman ng batas.  20% ng total ng isang LGU ang maaari nitong i-utang.

Kampante din ang Pamahalaang Lokal ng Daet na hindi nito maaapektuhan ang mga basic services ng munisipyo, gayundin ang mga pangunahing gastusin nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.