Inirekomenda ni Camarines Norte Provincial Board Member Gerry Quiñonez na siyasatin ang lahat ng mga lumang gusali sa lalawigan ng Camarines Norte sa pamamagitan ng bubuuing grupo mula sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council.
Ito ang iminungkahi ni Bokal Quiñonez sa nakatalikod na 1st quarterly meeting ng PDRRMC nitong nakatalikod na Pebrero a-6, 2014.
Ang nasabing pulong ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang MDRRMO sa lalawigan at mga NGO at ilan pang Government Agency sa lalawigan.
Napagkasunduan ng naturang konseho na makapag-sagawa ng ocular inspection sa lahat ng gusali na ikinukunsiderang luma nan a maaaring magdulot na ng peligro sa buhay ng mga okupante nito.
Nais ng PDRRMO na masiguro na ligtas pa ito sa publiko upang hindi makapagdulot ng mas malaking trahedya sakaling magkaroon ng kalamidad, partikular ng lindol.
Plano na rin itong isulong ni Board Member Gerry Quiñonez sa Sangguniang Panlalawigan upang maging ganap na ring batas sa lalawigan. Ang grupo na bubuuhin mula sa PDRRMO partikular ng DPWH, PEO at MEO at ilan pang ahensya ng pamahalaan na may kinalaman sa pagtatayo ng istraktura.
Kasama din sa nais na ipa-suri at saklawin ng batas ay ang mga pribado at pampublikong gusali at maging ang mga tulay sa lalawigan.
Nag-uulat,
Ricky Pera Bay Radio