50th PRESIDENT NG JCI DAET KABIHUG, PORMAL NANG NANUMPA PARA SA KANYANG TERMINO! GOLDEN PRESIDENT ALAIN KARL “BINGO” SINUPORTAHAN NG MGA PAST PRESIDENTS!

Pormal nang naupo bilang ika limampung pangulo ng JCI Daet kabihug si Alain Karl “Bingo” Abaño kagabi sa isinagawang Induction Ceremony sa Garden View Bar and Resto sa Bayan ng Daet. Si Immediate Past President Elmer Cezar “Boboy” Zaleta ang nag salin ng Gavel kay JCI Mem. Bingo bilang simbolo ng pamumuno.

Dinaluhan ito ng kapwa JCI Members and officers mula sa ibat ibang bahagi ng rehiyon. Dumating din bilang pangunahing tagapagsalita ay si NP President Christine Garcia sa naturang okasyon. Dumating din si  Daet Mayor Tito Sarte Sarion na isa ring miyembro ng samahan simula pa sa Junior Jaycees.

Kasama ni JCI Bingo ang kanyang buong pamilya na nagpakita ng suporta. Ang kanyang may maybahay, anak, mga kapatid at magulang, partikular ang kanyang Ama na si Past National President Luis Bing Abaño ng Phil Jaycess, na labis na ipinagmamalaki ang kanyang anak sa mga naging achievements nito.

Sa mensahe ni Pres Bingo, inihayag nito na magiging isang responsableng lider lalo pa’t natapat sya sa Golden Year ng nasabing leadership organization. Hiningi din nito ang suporta ng bawat miyembro para mapagtagumpayan ang mga layunin ng kanyang termino.

Ang anak ng bayaning si Gat Wenceslao Q. Vinzons Sr. na si former Camarines Norte Governor Wenceslao G. Vinszons J rang kaunaunahang pangulo ng nasabing organisasyon.

Samu’t saring proyekto na rin ang naipatupad ng JCI Daet Kabihug simula pa ng maitatag ito. Makikita na rin sa iba’t ibang mga matataas na posisyon sa pamahalaan at sa kani-kanilang larangan ang mga dating miyembro nito.

Narito ang pangalan ng mga naging pangulo ng JCI Daet Kabihug na nagsimula bilang Daet Jaycees:

WENCESLAO G. VINZONS JR. –  1964 and 1965

CARLOS YU – 1966

GIL FERNANDEZ – 1967

SAMMY ZAMORA – 1968

TEODY MEA – 1969

ANGEL SERRA – 1970

MAC CHEANGA – 1971

FRANK TIMONER – 1972

MANING TEE – 1973

TONY LAYOS – 1974

BEN URBANO – 1975

AUGUSTO MAGO – 1976

MANING TEE – 1977

NOEL QUERUBIN – 1978

LUIS “BING” ABAÑO – 1979

DODONG GACHE – 1980

LIBRING GUERRA – 1981

BENNY FAUSTINO – 1982

CELING CARRANCEJA – 1983

EDWIN CACHO – 1984

EDWIN DAMES – 1985

ELMER LOLIN – 1986

FELIX ABOGADO SR. – 1987

BERT ESTRELLADO – 1988

JAIME ALEGRE JR – 1989

FELIX ABAÑO – 1990

RUEL ZAÑO – 1991

RAUL CARANCEJA – 1992

JOSE CACHO – 1993

DANTE DASALLAS – 1994

VIRGILIO VERAS – 1995

WILLY PANGAN – 1996

CARMICHAEL DE ALVA – 1997

SIMEON NAING – 1998

JESUS FERNANDEZ – 1999

DINGGOY LUKBAN – 2000

ARIES QUIRUBIN – 2001

JOVENCIO CACHO – 2002

MARNIE ORENDAIN – 2003

ALLAN OBUSAN – 2004

DONALD GUMABAO – 2005

BONG ARMEA – 2006

GLENN ZAMUDIO – 2007

RITCHIE ONG – 2008

ERNESTO CORRE JR. – 2009

DARIUS MIRASOL – 2010

HENRY KING JR. – 2011

DARYL GUMABAO – 2012

ELMER CEZAR ZALETA – 2013

ALAIN KARL “BINGO” ABAÑO – 2014

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *