RICHARD ARANA, TINAMBANGAN NG RIDING IN TANDEM, PATAY!

Patay agad sa isang tama ng bala sa sintido matapos tambangan ng riding in tendem si ginoong Richard Arana habang minamananeho ang kanyang Ford Everest na may plakang TXQ-930 kahapon ng tanghali, Pebrero a-8, 2014.

Naganap ang pamamaslang sa Brgy Gabon, sa bayan ng Talisay habang patungo umano ng sabungan ng biktima kasama ang tatlong iba pa galing naman sa Brgy Caawigan ng naturan ding bayan.

Habang tumatakbo ang sasakyan, sinabayan umano ito ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek na nakamotorsiklo at agad na pinutukan ng baril si Arana. Sapul sa sindito ang biktima na naging dahilan para gumewang gewang ang minamaneho nitong behikulo.

Tanging si Arana lamang ang tinarget ng gunman kung kayat nagawa na lamang kontrolin ng mga kasamahan nito ang sasakyan tsaka naitigil.

Isang lalaki naman ang napadaan sa pinangyarihan ng insidente habang nagbibisekleta kung kayat agad na naipaabot sa pulisya ang insidente. Naka helmet umano ang driver ng motorsiklo samantalang wala naman helmet ang bumaril. Hindi din naman nakilala ng mga kasamahan ni arana ang gunmen sa bilis ng pangyayari.

Agad din namang naisugod pa sa Lourdes Hospital ang biktima bago tuluyang binawian ng buhay.

Kasama ni arana ang kanyang mga tauhan sa farm na nakikilang sina Erwin Buena 38 anyos, Ronald Solver, 28 at Cliff Anthony Tejada 20 anyos.

Narekober din ng mga miyembro ng Scene of the Crime Operatives, SOCO sa sasakyan ng biktima ang cash money na nagkakahalagang humigit kumulang anium na raang libong piso (P600,000), isang magazine ng 9mm pistol na puno pa ng bala at apat na plastic sachet ng crystalline powder na pinaghihinalaang shabu. Susuriin pa sa crime laboratory ang nasabing mga laman ng plastic sachet para alamin kung ito nga ay shabu.

Agaran din namang nagsagawa ng man hunt operation ang mga miyembro ng Talisay police at nagsagawa din ng check point.

Nag uulat,

Ricky Pera, Bay Radio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *