BREAKING NEWS! PDEA, STRIKES AGAIN! PANIBAGONG SUSPECTED PUSHER, PASOK NA NAMAN SA SELDA! HALAGANG HUMIGIT KUMULANG 3HKP NG PINAGHIHINALAANG SHABU, NAKUMPISKA!

Pumuntos na naman ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa lalawigan ng Camarines Norte ngayong umaga lamang. Pebrero a-10, 2014.

Inihain ng grupo ni PDEA Intelligence Officer Enrique Silvio, Team Leader ng PDEA sa lalawigan kasama ang Mercedes PNP sa pangunguna naman ni Psinsp. Rogelyn Peratero-Calandria ang Search Warrant # 2015-002 na nilagdaan naman ni  Judge Roberto A.  Escaro ng Regional Trial Court Branch 38  sa isang Antonio Cenon, 33 anyos at residente ng Purok 2, Brgy I, Mercedes Camarines Norte.

Nakuha sa tahanan o possession ni Cenon ang walong (8) sachet na naglalaman ng crystalline substance na pinaghihinalaang shabu, na nagtitimbang ng humigit kumulang 54 grams at may estimated market value na (P300,000.00) Three Hundred Thousand Pesos.

Sinasabing isa ito sa mga binabagsakan ng droga ni Arlan Silvio na nauna nang nadakip ng grupo ng PDEA kamakailan sa bayan ng Labo. (See Ralated News).

Si Senon ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o possession of illegal drugs. Sa ilalim ng naturang batas, hindi bibigyan ng pagkakataong makapag lagak ng piyansa ang sinumang suspek na mahuhulihan ng hindi bababa sa sampung (10) gramo ng shabu, sakaling ito ay mapatunayan ng PNP laboratory.

Note: Ipinagpapalagay ng pahayagang ito na inosente ang suspek hanggat hindi napatutunayan sa korte.

 Ricky Pera

CNNews Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *