PANIBAGO NA NAMANG KASO NG PAGPATAY SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, POSIBLENG MAY KINALAMAN SA DROGA!

Isa na namang kaso ng pag-patay ang naitala kahapon ng madaling araw sa Brgy Motherload, bayan ng Jose Panganiban.

Kahapon ng madaling araw, Pebrero a-11, 2014, alas 12:30 ng madaling araw, nang pasukin umano ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang bahay ng isang Marlon Alvares alyas “Biboy” tinatayang nasa 35 to 40 yrs old sa Brgy Motherload sa naturang bayan. Kasama ni Alvares ang isa pang biktima din na kinilalang si Edmund Rasco ng Brgy Parang Jose Panganiban.

Isang tama ng bala sa likurang bahagi ng ulo ang pumatay kay alvares samantalang isang tama din sa mukha ang tumapos din kay Rasco.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong empty shell ng bala ng kalibre 45 at tatlong slug. Kasama din sa natagpuan sa bahay ang isang waterpipe, isang uri ng instrumento sa paggamit ng shabu, at dalawang lighter na may kasamang drug paraphernalia.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay wala pa namang naipalalabas na official statement ang pulisya sa kung ano ang tunay na motibo sa naturang pag patay sa dalawa. Nanawagan din ang pulisya sa publiko at mamamahayag na iwasan muna ang mga espekulasyon hinggil sa nasabing krimen hanggat hindi pa tapos ang kanilang imbestigasyon.

Tanging ang pulisya lamang anila ang magpapalabas ng opisyal na balita hinggil dito at sinabing iwasan ang pag kuha ng mga impormasyon sa kung saan saan at kung kani-kanino.

Ulat nina,

Ricky Pera, Donde Consuelo

CNNews Corespondetns

Leave a Reply

Your email address will not be published.