Walang humpay ngayon ang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa Camarines Norte laban pa rin sa ipinagbabawal na droga.
Matapos ang kaliwa’t kanang operasyon ng PDEA sa lalawigan, wala pa ring takot ang ilang mga pinaghihinalaang drug pushers na magpatuloy sa kanilang pagbebenta ng ilegal na gamot.
Kaninang alas dos ng hapon lang isa na naman matagumpay na Buy-bust operation ang isinagawa sa Purok 7-A, Brgy Bagumbayan sakop ng bayan ng Paracale ng tropa ni PDEA Intel Officer Ernique Lucero kasama ang Paracale PNP sa pangunguna naman ni Pcinsp. Rommel Bachiller Labarro.
Umaabot sa humigit kumulang dalawang (2) kilo ng marijuana ang nakumpiska sa dalawang suspek na isang labing pitong (17) taong gulang na itinago sa pangalang Pedro at isang Gabriel Quines Y Inway na residente ng Brgy Anahaw Labo, Camarines Norte.
Sa pagtataya ng mga awtoridad, nagkakahalaga ng umaabot sa anim na pung libong piso (P60,000.00) ang naturang kontrabando.
Sinasabing ang mga ito ay nag ooperate din sa pagbebenta ng marijuana sa mga bayan ng Labo, Jose Panganiban at Paracale.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 art. 11 sec. 5 ang naturang mga suspek.
Labis naman ang pasasalamat ng mga residente sa naturang lugar dahilan sa anilay karamihan sa mga nabibiktima ng naturang mga suspected drug pushers ay ang mga kabataan, partikular ang mga high school students na may kakayahan ng bumili ng nasabing uri ng droga.
Nag uulat,
Ricky Pera
CNNews Corespondent