DENTAL HEALTH MONTH CELEBRATION IPINAGDIWANG NG PHIL. DENTAL ASSO. –CAMS NORTE CHAPTER. ILANG PROGRAMA ISINAGAWA SA BRGY CAMAMBUGAN

Pormal ng inilunsad ng Phippine Dental Association–Cams Norte  Chapter ang programang toothbrushing drill  bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ng Dental Health Month ngayong buwan ng Pebrero.

Kahapon, february 10,2014 sinimulan sa pamamagitan ng motorcade ang naturang pagdiriwang na umikot mula sa bayan ng Daet hanggang sa bayan ng Labo kasama ang 49th infantry batallion ng Philippine Army na nagtapos sa Brgy Camambugan ng bayan ng Daet kung saan isasagawa ang mga programang inilaan ng naturang asosasyon sa mga kabataan.Kapapalooban ito ng oral examination, dental health education, toothbrush and toothpaste distribution and fluoride rinsing.

Layunin ng naturang programa ang maturuan ang mga kabataan ng pagpapahalaga sa paglilinis ng kanilang ngipin at ano ang mabuting maidudulot nito sa kanilang kalusugan kung saan target ng naturang grupo ang Cavity free sa mga kabataan ng lalawigan ng Camarines Norte.

Labis namang ikinatuwa ni  Dra. Josephine Lee- Lim Guan,Presidente ng PDA-CN Chapter ang umaabot sa 500 kabataang naging benepisaryo  ng  toothbrushing drill. Ayon pa dito, lubos nyang ipinagpapasalamat ang pakikiisa  at  pakikipagtulungan ni Kapitan Benito Ochoa ng Brgy Camambugan upang maayos na mailunsad ang kanilang programa at direktang maipahatid sa mga kabataan sa lalawigan ng Camarines norte ang kanilang mga layunin.

Nag-uulat,

 Aleth Sangcap

 CNNews Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published.