ORDINANSA PARA SA PROTEKSIYON AT PANGANGALAGA NG KAPALIGIRAN DAPAT MAIPATUPAD, AYUN KAY BOARD MEMBER GERRY QUIÑONEZ!

Sa gitna ng kontrobersiya ngayon sa usapin ng illegal mining sa Camarines Norte, nagpahayag ng kanyang saloobin si Board Member Gerry Quiñonez sa pamamagitan ng privilege speech kahapon sa kanilang regular na sesyon sa Sangguniang Panlalawigan, kaninang hapon Pebrero a-12.

Laman nito ang hangarin na maipatupad ang ordinansang kanilang naipasa sa naturang kapulungan nito lamang nakatalikod na taon na naglalayong maproteksyunan at mapangalagaan ang kapaligiran sa lalawigan.

Sinang-ayunan din naman ito ng kanyang mga kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan partikular ni Board Member Erwin Lausin na kapwa nya nagsulong ng naturang ordinansa.

Narito ang kabuuang nilalaman ng kanyang malayang pamamahayag:

      “NOONG  NAKARAANG  NOBYEMBRE, INAPRUBAHAN NG  SANGUNIANG PANLALAWIGAN ANG  ORDINANSA BLG. 032-2013  NA  NALALAYONG PROTEKTAHAN  ANG  KAPALIGIRAN  NG  ATING PROBINSIYA.

      ANG ORDINANSANG  ITO AY   AKDA NG INYONG LINGKOD, BOARD MEMBER GERRY QUINONES  AT  BOARD MEMBER  ERWIN LAUSIN. ITO PO AY DUMAAN SA PUBLIC  HEARING  AT  NAIPATAWAG PO NATIN ANG IBAT-IBANG STAKE HOLDERS  NA APEKTADO NG NASABING  ORDINANSA, KAGAYA NG  MGA MINING COMPANIES  NA MAY ISINASAGAWANG  PAGMIMINA O KAYA AY MAY APLIKASYON O INTERES NA MAGMINA SA ATING PROBINSIYA.

      ANG NASABING ORDINANSA  AY  MAY LAYUNIN  DIN NA MANINGIL  NG BUWIS  MGA MINING COMPANIES  NA  MAGLALABAS  NG  MINERAL SA ATING PROBINSIYA SA PAMAMAGITAN NG PAGBABAYAD NG CONSERVATION AND EXTRACTION FEE .

     ANG  NASABING  BUWIS AY DIREKTANG  BABAYARAN SA  PROVINCIAL TREASURERS OFFICE  AT  IPAPASOK  SA ISANG THRUST FUND. THE 60% OF THE TOTAL COLLECTION SHALL  BE UTILIZED  EXCLUSIVELY FOR  ENVIRONMENTAL MONITORING, CONSERVATION, PROTECTION  AND  DEVELOPMENT  PROJECTS  AND PROGRAMS OF  THE  PROVINCIAL GOVERNMENT. ANG NASABING  ORDINANSA  AY MAY MGA PINAGBASEHANG MGA BATAS  KAGAYA NG PHILIPPINE CONSTITUTION  AT  REPUBLIC ACT  7160 O LOCAL GOVERNMENT CODE.

      SUBALIT  NOONG  NAKARAANG SESYON, AKO PO  AY  NAGULAT NG  MABASA KO SA ATING AGENDA NA KINUKUWESTYON  NG  MT. LABO EXPLORATION  AND DEVELOPMENT  CORP.  ANG LEGALIDAD  NG  ATING  IPINASANG  ORDINANSA. PARA PO SA KABATIRAN  NG  KAPULUNGANG  ITO, ANG MT. LABO EXPLORATION  AND  DEV’T. CORP. AY ISANG  LARGE  SCALE  MINING  COMPANY, AT   ANG MGA LARGE SCALE  KARAMIHAN SA KANILA AY HINDI  MGA TAGA  CAMARINES NORTE, SAPAGKAT  ANG  APPLICATION PO NILA  AY DIREKTA  SA MGB O MINES AND GEOSCIENCES  BUREAU, AT ANG AHENSIYA DING ITO ANG  NAG  AAPRUBA NG KANILANG APLIKASIYON.  

       ANG MGB  DIN PO ANG  NAG IISIYU NG  ORE TRANSPORT PERMIT  (OTP ) AT MINERAL  ORE EXPORT PERMIT ( MOEP ) KUNG ANG MINERAL  AY  ILALABAS  NG  BANSA, KUNG  KAYA WALANG  DIREKTANG  PAKINABANG  SA KANILA ANG  PROVINCIAL GOVERNMENT  NA KUNG  SAAN DITO NILA  KINUNUKUHA ANG MGA MINERAL.

      DEAR  COLLLEAGUES, MR. PRESIDING OFFICER, ANG  CAMARINES NORTE  AY BINIYAYAAN  NG  MAYAMANG  MINERAL, PATUNAY DITO ANG MARAMING KOMPANYA NA NAGSUSULPUTAN  PARA MAGMINA SA ATING PROBINSIYA. BILANG  HALAL  NG  TAUMBAYAN, TAYO AY MAY  TUNGKULIN NA GUMAWA  NG MGA BATAS PARA PROTEKTAHAN   ANG  ATING  KAPALIGIRAN. MAY MGA NAINSPEKSIYON  NA  DIN  PO TAYO NA MAY MGA VIOLATIONS  SA ENVIRONMENTAL  LAWS,  KAGAYA NG PAGTAGAS NG  TAILING  POND NG JOHNSON  MINING  NA ISA  DING LARGE SCALE. ANG  MASAKIT, KASAMA  ANG LOKAL  NA  PAMAHALAAN SA  MGA NASISISI KAPAG APEKTADO  NA  ANG KOMUNIDAD  PAG  MAY GANITONG PERWISYO.

     SA  MGA GANITONG PAGKAKATAON, ANG PROVINCIAL ORDINANCE NO. 032-2013, AN ORDINANCE  REGULATING  THE  UTILIZATION OF NATURAL RESOURCES  FOR THE PROTECTION AND CONSERVATION OF THE ENVIRONMENT IN THE PROVINCE OF CAMARINES NORTE  ANG  ATING MAGIGING SALIGAN UPANG  PROTEKTAHAN  AT  MAIBALIK  SA DATI  HANGAT  MAAARI  ANG MGA BINUNGKAL  NA LUPA  NG MGA NAGSAGAWA  NG  PAGMIMINA KUNG SAKALING  ITO  AY  KANILANG  IIWANAN O  IAABANDONA. DAPAT  DING KILALANIN  ITO  NG PROVINCIAL MINING REGULATORY BOARD ( PMRB ) SAPAGKAT MALAKI  ANG  MAITUTULONG  NITO  UPANG MAPROTEKTAHAN ANG  LIKAS NA YAMAN, WATER SHED AREA AT  KAPALIGIRAN NG CAMARINES NORTE.

      IGALANG  SANA  ANG  IPINAGKALOOB SA ATING KAPANGYARIHAN NG PHILIPPINE CONSTITUTION  UNDER SEC. 2 ART. X NA  NAGSASABI , THE TERRITORIAL  AND  POLITICAL  SUBDIVISION  SHALL  ENJOY  LOCAL  AUTONOMY, AT  SA SEC. 5  NA  NAGSASABI,  EACH  LOCAL GOVERNMENT  UNIT SHALL  HAVE  THE POWER TO CREATE  ITS OWN  SOURCES  OF REVENUES AND TO LEVY TAXES  AND  FEES.

MARAMING SALAMAT  PO  SA INYONG  PAKIKINIG , AT MULI, MAGANDANG  HAPON  PO SA  INYONG  LAHAT.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *