SUNTOK SA BUWAN NA “1-CHILD-POLICY”, SUHESTYON NI ENGR ROGELIO KING NG NIA CAMARINES NORTE SAKALING MATULOY ANG PANUKALANG ILIBRE NA ANG PATUBIG SA MGA MAGSASAKA!

“1-CHILD-POLICY”, SUHESTYON NI ENGR ROGELIO KING NG NIA CAMARINES NORTE SAKALING MATULOY ANG PANUKALANG ILIBRE NA ANG PATUBIG SA MGA MAGSASAKA!

Hindi sang-yun si Engr Rogelio King ng National Irrigation Administration ng Camarines Norte sa panukalang huwag nang pag-bayarin ang mga magsasaka para sa Irrigation Service Fee.

Isang panukalang batas ngayon ang nakasalang sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na isinusulong ni Coop-Natco Party List Representatives Anthony Bravo at Cresente Paez na may house bill No. 3849 na naglalayong ilibre na ng pamahalaan ang bayarin ng mga magsasaka sa Pilipinas.

Ito ayon sa mga mambabatas ay para matulungan ang mga magsasaka na mas lalong mapalakas ang kanilang produksyon at maramdaman naman ang kanilang kinikita kapalit ng kanilang sakripisyo sa pagbibilad sa ilalim ng araw.

Nabatid ng mga mambabatas na halos dumadaan lang sa kamay ng mga magsasasaka ang pinagbentahan ng kanilang mga ani at napupunta na lahat sa pagbabayad ng mga utang at bayarin sa irigasyon. Sakali anilang malibre na ito, darating ang panahon na magiging self-sufficient na ang pilipinas sa rice production at hindi na kinakailangan pang mag angkat sa ibang bansa na nagiging sanhi lamang ng matinding kurapsyon at smuggling.

Sa kabila ng mga paliwanag na ito, sinabi ni Engr. Rogelio King sa panayam sa palatuntunan ni JunJun Quibral ng Kadamay Network PBN-DZMD na hindi pa rin sya kumbinsido sa nasabing panukala dahil dito lamang sa kanilang koleksyon sa Irrigation Service Fee sila kumukuha para sa mga gastusin sa pagsasaayos at maintenance ng mga irigasyon at ng kanilang tanggapan.

Kung talagang ito anya ay maipapasa, malaking dagok ito sa parte ng ahensya ng patubig lalo pa’t wala naman malinaw na pagkukunan ng pondong ipapalit sa mawawala mula sa kasalukuyang Bayarin.

Dahilan dito, sa kabila ng malayo sa posibilidad, inirekomenda ni Engr. Rogelio King ang 1-Child-Policy sa pilipinas upang mabawasan ang mga bibig na kakain araw araw.

Sa kasalukuyan anya, umaabot lamang sa anim (6) na milyong piso ang kanilang inaasahang koleksyon at animnapung porsiento (60%) lamang dito ang nakababayad. Mas magiging malaki anya ang kanilang problema sakaling mawala pa ito.

Rodel Macaro Llovit

CNNews 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *