BEATING THE GREEN LIGHT! MATANDANG BABAE, AKSIDENTENG NABUNDOL NG TRICYCLE SA MALAPIT SA TAPAT NG PNP STATION 2 AT TIMES BAKERY.

Agad na isinugod sa Leon Hernandez hospital ang isang pitumpung taong gulang (70) na Lola matapos itong aksidenteng mabundol ng isang Tricycle sa kahabaan ng J. Lukban St. malapit lamang sa traffic light sa may tapat ng Police Community Precinct 1 kaninang alas dos ng hapon, Feb 17, 2014.

Ayun sa ulat, naka green light pa ang traffic lights nang biglang tumawid matanda na nakilala sa pangalang Amparo M. Filio ng Brgy Poblacon, Talisay, Camarines Norte, na aksidente naman itong nabanggaan ng isang tricycle mula naman sa may bahagi ng palengke, na may sidecar number 1154 na minamaneho ng isang Edwin Abogado Abasolo, 40 taong gulang, may asawa at residente ng Brgy San Isidro Daet.

Bagamat hindi naman malakas ang impact, natumba ang matanda at tumama ang likurang bahagi ng ulo sa semento dahilan para dalhin ito sa pagamutan.

Agad namang rumisponde ang mga tauhan ng MDRRMO rescue team, at agad na nilapatan ng paunang lunas ang matanda bago isinugod sa opspital.

Hanggang sa pinakahuling ulat, nasa maayos na umanong kalagayan ang matanda matapos itong bigyan ng lunas ng mga doctor sa nasabing pagamutan.

Nag uulat,

Ricky Pera

CNNews Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published.