MGA PIRATA SA DAET, PAPANAGUTIN! MGA NEGOSYANTE NG PEKENG DVD AT ILANG MGA PIRATED GOODS, PINAALALAHANAN! ORDINANSA PARA DITO, ISINULONG NI KONSEHAL SHERWIN ASIS!

Isang hamon sa Political Will ng mga opisyal ng Pamahalaang Lokal ng Daet ang pagsusulong at pagpapatupad ng ordinansa laban sa mga Pirated Goods sa nasabing Bayan!

Sa panayam ng ni Donde Consuelo sa programang Bay Lunch with Ricky and Aleth sa 102.9 Bay Radio kay Konsehal Sherwin Q. Asis ng Sangguniang Bayan ng Daet na bagamat isang mabigat na hamon sa kanila bilang mga elected officials ang paglaban sa mga pirated goods, kinakailangan na anyang maipatupad ito para sa ikabubuti ng mas nakararaming negosyante.

Nasa ikatlong pagdinig na sa sususnod na sesyon ng Sangguniang Bayan ang nasabing ordinansa o naipasa na rin ito sa una at ikalawang pagdinig. Ilang mga probisyon na lamang ang isinasaayos pa ng mga miyembro ng SB Daet para mas maging pulido ang naturang batas.

Nakasaad dito ang pag-buo ng isang monitoring o inspection team na bubuuin ng mga kinatawan mula sa Daet PNP at Municipal Treasurer’s Office na sya namang makikipag coordinate sa mga concerned National Government Agency para isagawa ang pag inspeksyon, depende sa uri ng produkto.

Pananagutin sa unang paglabag ang sinumang nagmamay-ari ng negosyo ng tatlong araw na suspension., tatlumpung araw naman para sa ikalawang pag labag at tuluyang pag kansela ng permit sa ikatlong pag labag.

Nag ugat ang naturang ordinansa susog na rin sa Memorandum Circular ni dating DILG Secretary Jessie Robredo noon pang 2011 na naglalayong proteksyunan ang intellectual property rights ng mga manufacturers sa bansa. Hinihikayat ng naturang Memorandum ang lahat ng mga lokal na pamahalaan sa Pilipinas na magsagawa ng hakbang para sa nasabing suliraning pang ekonomiya o economic sabotage.

Taon pang 2003 ng maisabatas ang Anti-piracy Law sa kongreso, at simula ng ipalabas ni dating DILG Sec Jessie Robredo ang naturang Memo nitong taong 2011, hanggang sa ngayon ay umaabot lamang sa labing dalawang lokal na pamahalaan sa buong bansa ang nagtalima para sa pagsasagawa ng lehislasyon para dito. Ito ay natukoy sa isinagawang evaluation ng DILG tungkol sa kampanya at implementasyon ng mga LGU’s sa Pilipinas hinggil sa nasabing batas. Tinukoy din ng DLIG sa kanilang pakikipag-pulong sa mga lokal na opisyal na kinakailangang palakasin ang estratehiya at patakaran hinggil sa paglaban sa pamimirata.

Aminado si Konsehal Sherwin Asis na lubhang mapanganib ito sa usaping pampulitika ng isang halal na opisyal na magpapatupad at magsasagawa nito, subalit kinakailangan anyang gampanan nila ang kanilang trabaho na ini-atang sa kanila ng mamamayan ng Daet. Bagamat naniniwala din si Konsehal asis na ang hakbanging ito ay para din sa ikabubuti ng ekonomiya ng bayan at sa bandang huli ay ang mas nakararami ding mamamayan at mamumuhunan ang makikinibang ng batas na ito.

From the News Center of

CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published.