Tatlong araw na mananatili sa bayan ng Daet ang ilang mga artista at director mula sa Film Academy of the Philippines para pag aralan ang posibleng pagsasagawa ng pelikula sa nasabing bayan.
Kahapon, Feb. 17, 2914, sa Flag Rasing Ceremony ng Pamahalaang Lokal ng Daet, kasama ni Mayor Tito Sarion sina Director Leo Martines, mga Film producers at ilang artista para sa location hunting, kung saan maghahanap ang naturang mga alagad ng sining ng magagandang lugar sa bayan ng daet upang pagdausan ng kanilang mga shooting para sa kanilang mga pelikula.
Sinabi ni Mayor Tito Sarion na malaking tulong ito sa bayan ng Daet para mas lalong makikilala sa buong mundo ang ating munisipalidad at lalawigan. Lalo pa’t ilan sa mga ginagawang pelikula ng nasabing grupo ay mga independent films na ipinapalabas bilang entry sa iba’t ibang Film Festivals sa loob at labas ng Pilipinas.
Malaking oportunidad din ito sa ilang mga mamamayan ng Daet na magkaroon ng pagkakataon na maging bahagi ng naturang pelikula o maging artista.
Ipinagmalaki ni Mayor Sarion na sa ngayon ay halos araw araw nababanggit ang bayan ng Daet sa Teleseryeng The Legal Wife ng ABS-CBN channel 2. Ilang bahagi ng naturang teleserye ang dito kinunan sa bayan ng Daet at sa ilang karatig bayan.
Nag uulat,
Rodel Macaro Llovit
Camarines Norte News