BILANG NG MGA MAHIHIRAP NA PAMILYA SA CAMARINES NORTE, BUMABA, AYUN SA NSCB-POVERTY STATISTICS!

Malaki ang ibinaba ng bilang ng mga naghihirap na pamilya sa lalawigan ng Camarines Norte, base sa ipinalabas ng ulat ng NSCB National Statistical Coordination Board – Poverty Statistics kamaialan.

Sa Annual Per Capita Poverty Threshold ng NSCB, simula ng taong 2006 na P13,066, umakyat ito ng P16,675 ng taong 2009 hanggang umabot na sa P18,390 ng 2012. Nangangahulugan ito ng pagtaas ng kinakailangang kitain ng bawat pamilya sa loob ng isang taon, depende sa bilang ng bawat miyembro nito. Subalit sa harap nito ay naitala din naman sa Poverty Incidence among families na 30.1% noong 2006, 31.9% noong 2009 at bumaba na ng husto hanggang 21.7% para sa 2012. Samantalang sa Estimated magnitude of Poor Families kumpara sa taong 2009 na may bilang ng mga naghihirap na pamilya na umaabot sa 36,527, bumaba na ito sa nakalipas na tatlong taon ng 26,663 pamilya na lamang o humigit kumulang sampung libong (10,000) pamilya ang itinuturing na nakaahon na sa below poverty line.

Source: NSCB

Laking pasasalamat naman dito ni Governor Edgardo Tallado ng Lalawigan ng Camarines Norte dahil sa anyay nagbunga na ang kanilang mga programa para sa mga naghihirap na mamamayan sa Probinsya.

Tinukoy nito ang pakikipagtulungan at suporta ng bawat mamamayan ng Camarines Norte sa kanyang mga programang kabuhayan, katulad ng pamamahagi ng mga alagaing hayop, katulad ng kalabaw at kambing,  tilapia fingerlings sa mga mangingisda, mga binhi ng mga pananim ng gulay at iba’t ibang produkto, scholarship programs para sa mga anak ng mga mahihirap na magulang at ilan pang livelihood programs. Isa pa sa pinakamalaking kontribyusyon na nagpaluwag ng kabuhayan ng mamamayan sa lalawigan ay ang malawakang farm to market road projects na naisagawa sa administrasyon ni Gov. Egay Tallado.

Ilan din sa naging batayan ng pag aaral ang implementasyon ng  iba’t ibang programang pangkabuhayan at anti-poverty programs ng mga National Government Agencies katulad ng DSWD sa pamamagitan ng KALAHI CIDSS o Kapit-Bisig  Laban sa Kahirapan- Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services, 4P’s, Sustainable Livelihood program o  SLP at ilan pang programa din ng mga Opisyal sa Lalawigan at mga Lokal na Pamahalaan.

Sa buong rehiyong bicol, pangalawa ang Camarines Norte sa may pinakamaraming pamilyang umangat-angat ang kabuhayan.  Naramdaman ito sa mga malalayo at liblib na Barangay sa Camarines Norte na dating labis ang kahirapan bunsod ng kawalan ng ilaw, patubig, kuryente farm to market roads na sya namang pangunahing binigyan ng pansin at natugunan ng pamahalaan.

Kada tatlong taon nagpapalabas ng ulat ang NSCB na responsible sa pag-aaral ng pamumuhay ng mga mamamayan sa bawat lugar sa Bansa. Muli itong mag uulat sa taong 2015.

Nag uulat,

Rodel Macaro-Llovit – CNNews 

Managing Editor

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *