ELECTIONS PROTEST NI ROY PADILLA JR LABAN KAY VICE GOV. PIMENTEL, BINILANG NA! BILANG NG BOTO NA KAILANGANG HABULIN, HINDI UMABOT!

Ipababasura na ni Camarines Norte Vice Governor Jonah G. Pimentel ang kasong election protest na isinampa laban sa kanya ng kayang nakatunggali na si former Vice Governor, Governor at Congressman Roy Padilla Jr.

Matapos lumabas ang resulta ng eleksyon nitong nakatalikod na 2013 Local Election, itinanghal na panalo si Jonah Pimentel bilang Bise Gobernador. Agad namang nagsampa ng protesta sa Commission on Elections o COMELEC, ang kampo ni Padilla dahilan sa anila’y kwestyonableng resulta ng eleksyon.

Pitumput tatlong presinto mula sa mga bayan ng Basud at Jose Panganiban ang hiniling ni Padilla na muling bilangin. Base sa panuntunan ng COMELEC, kinakailangang muna magkaroon ng pilot ballots ng dalawampung porsiento bilang treshold sa ipinoprotestang balota na bibilangin. At dahil hindi aabot sa dalawampung balota ang dalawampung bahagdan ng 73 balota, dalawampung balota pa rin ang binilang bilang pilot ballots. Si Padilla bilang protestant ang pumili ng dalawampung balota bilang bahagi ng panuntunan. Mula dito, kinakailangang makaabot sa itinakdang reasonable recovery para mabuksan ang kabuuang pitumput tatlong balota.

Sa resulta, umabot lamang anim (6) ang naging kalamangan ni Padilla gayung kinakailangan nyang makalamang kay Pimentel ng 35 boto sa bawat isa ng 73 balota. Nagkulang pa ng 694 votes para mapayagang mabuksan pa ang nalalabing 53 balota.

Sa ngayon ay pinagsusumite na ng COMELEC 2ND Division ang bawat partido ng kanilang mga komento sa ipinalabas na resulta ng recount. May itinakda lamang na bilang ng araw ang COMELEC para makapag sampa ng mosyon ang kampo ni Padilla. Samantalang sa panig naman ni Vice Governor Pimentel, kinakailangan na lamang nitong mag sampa ng motion to dismiss para nasabing protesta.

Sa resulta ng bilangan nitong nakaraang eleksyon, lumamang si Pimentel ng humigit kumulang 2,800 boto laban kay Padilla.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *